Wednesday, May 04, 2005

BBBBBBOOOOORRRRIIIIINNNNGGG!!!

waaahhhh!!! wala na bang ikasasaya itong summer na ito? grabe... ako nalang ata sa mag-kakabarkada and hindi pa nagsu2mmer sa ibang place, sila, nakapunta na ng Bicol, Cavite, Pangasinan etc. samantalang ako nandito lang sa bahay, wala na akong ibang magawa kundi:
1.) maglinis ng bahay
2.) maghugas ng plato
3.) mag-internet at mag-chat
4.) mag-movie marathon
5.) tutugin ang gitara
6.) gumawa ng kanta na hanggang ngayon hindi pa macompleto
7.) manood ng t.v.
8.) kumain ng kumain ng kumain...
9.) gawin ang mga inuutos ng mga mahal kong magulang
10.) maligo't magtoothbrush
11.) maghanda ng kakainin at ng mga plato't kutsara't tinidor na gagamitin
basically, diyan lang umiikot ang life ko ngayon, hhhhaaayyyy nako talaga, hindi na ko naka2puntang mall ngayon eh, simula noong april 22, para sa akin matagal na yun ah, ang masama pa eh ito:
1.) sira ang PC namin, grabe... hindi mo lang alam kung bakit naka2inis, pano ba naman kc andun ung mga pix ko na ga2mitin ko sa friendster at hindi ako makapag-transfer ng mga pictures from the digi cam, pwede kong ilagay sa laptop pero hindi ko kasi mapa2liit ung size nung bytes ng mga pix, for short hindi ko siya ma-eedit dahil walang adobe photoshop itong laptop na sa kasalukuyang ginagamit ko, ggggrrrr tlga, tapos nalaman ko pa na papalitan yung hard drive nung PC namin which means, mawawala na ang lahat ng pix na naka-store don at ang mga songs na sinave ko sa Media Player, mga songs na hindi ko na mahahanap sa Kazaa o sa ibang sources pa... talaga naman oh!!!!
2.) sira pa yung acoustic guitar ko, actually nung march pa nasira yon na hanggang ngayon eh hindi pa naayos dahil laging naka2limutang dalhin ng mga parents ko kapag pumupunta silang harrison plaza, nka2inis dahil sa totoo lang naka2sawa ng mag electric guitar, ang dami pang ritual na gagawin para lang tumunog ito, at lagi pang nagrereklamo ang mga tao sa bahay ng ingay nito, pano pa kaya ako makakagawa ng kanta kung ganun, pero ok lang rin naman, at least napag-aaralan ko na ng mabuti kung pano tumugtog ng maayos sa electric guitar
3.) wala na ang myx channel sa p'que cable, talaga naman, pano ba naman kasi inangkin na ng sky cable (na nasapag-mamay-ari ni lopez) at never na daw ibabalik ito sa p'que cable, bakit naka2inis? hindi nako mauupdate sa mga music videos, sure, may mtv nga, eh lagi namang late un sa mga new music videos eh chaka hindi na ko maka2panood ng myx live! waaaaahhhhh!!! hindi ko mapapanood ung araneta concert ng rivermaya, kitchie nadal, sponge cola at juana sa myx live, nka2inis talaga!!!!!
4.) nauubusan nako ng mga DVDs na mapa2nood, well, since nandito lang ako sa bahay dapat lagi kang may maraming stock ng new DVDs para naman hindi ka nood ng nood ng napanood ng mga DVDs
5.) hindi nako nakikinig sa 97.1 LSFM music countdown which means hindi na ko in sa mga latest songs ngayon, ewan ko ba, pano ba naman kasi mga 11 am na akong gumigising at nka2limutan ko ng makinig sa radyo ng 12 n.n.
Actually may marami pa sana akong sa2bihin tungkol sa boring kong summer, kaso wala na kong ma-say eh, pero kung meron pa, la2gyan ko nalang ng part II ito hahhahahha, kapag wala ulit akong magawa, sana talaga makapunta ako sa Glorietta tomorrow dahil mag-gi2g ang sponge cola, hale at sugarfree, wow talaga!!! three of the coolest bands in the Philippines, probably its gonna be one hell of a party!!! yeah!!!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home